PANG-quarantine hotel lamang ang City Garden Hotel sa lungsod ng Makati ayon sa Department of Tourism (DOT) kung kaya’t pinagpapaliwanag na ito sa ngayon dahil sa nangyaring posibleng panggagahasa at pagpatay sa isang flight attendant na si Christine Dacera.
Ito ang pinahayag ni DOT –National Capital Region Regional Director Woodrow Maquiling Jr.
“It appears so that, may mga contraventions ang property. You know, before the hotel can operate during the community quarantine, it has to be granted with a certificate of authority to operate as provided for by the IATF policy and it the duty of the department to grant the same,” pahayag ni Maquiling.
Ayon pa kay Maquiling, nagbibigay sila ng certificate of authority to operate sa mga hotel ngunit limitado pa sa mga overseas Filipino workers, frontline workers at mga health care workers.
Paglilinaw ni Woodrow, ang mga sertipikado lamang na mga hotel para sa staycation ang maaring tumanggap ng mgal leisure guest ngunit limitado lamang ang kapasidad.
Sa ngayon, mayroon lamang labinglimang staycation hotel na pinayagan ng DOT sa buong Metro Manila.
Kaya naman, pananagutin ng Department of Tourism ang City Garden Hotel dahil hindi ito kasama sa mga hotel na maaring tumanggap ng leisure guest.