Civil group sa Japan, nagsagawa ng exhibition ng bansa noong WWII

Civil group sa Japan, nagsagawa ng exhibition ng bansa noong WWII

ISANG exhibition ang ginanap sa gitnang lungsod ng Yokohama Japan, sa pagpapakilala sa kasaysayan ng Japan tungkol sa mga pananakop nito sa panahon ng World War II.

Ayon sa mga nag-organisa nito, nais nilang ipaalam sa mga residenteng Hapon, lalo na sa mga hindi pa nakakaalam ng pakikidigma ng Japan.

Ito ay para na rin umano hindi na maulit ang parehong pagkakamali ng bansa.

2016 nang simulan ng civil groups ang exhibition na nahahati sa 12 seksiyon at idinaraos bawat taon, layunin nito ay maipasa sa bawat henerasyon ang makasaysayang katotohanan sa Japanese society.

Kabilang sa 300 boards na ipinakita sa exsibisyon, ay ang “Comfort Women”, “Nanjing Massacre”, “Unit 731” at iba pa, kung saan gumagamit sila ng mga larawan at dokumento upang ipakita ang mga makatotohanang kasaysayan ng bansang Japan at ilantad sa mga bisita ang mga karumal-dumal na krimen na ginawa ng Japanese troops.

“In the history class, the teachers always skip Japan’s aggression history, saying there is not enough time left. My knowledge about the war history comes mostly from the books I bought. I visit the exhibition every year, from its first edition. The contents are quite profound. They will be renewed every year, and I have learned a lot,” ayon sa bumisita sa eksibisyon.

Ayon sa isa sa mga bumisita, pagdating sa history class parating nilalaktawan ng mga guro ang aggression history ng Japan at ang mga kaalaman niya tungkol sa kasaysayan ng digmaan ay kadalasang nagmula sa mga aklat na binili niya.

Sa bawat taon mula nang mailabas sa publiko ang isinagawang paglalarawan ng mga civil group ay palagi na siyang bumibisita sa eksibisyon mula sa unang taon ng pagbubukas nito at aniya ay marami siyang natutunan.

Ayon sa mga civil group organizer, nais nilang gawing plataporma ang kanilang inorganisa upang ipaalam ang marami pang mga krimen na ginawa ng mga Hapon noong panahon ng giyera.

“If the perpetrators and victims of a war cannot be identified, the truth of history will never be revealed. Japan committed regrettable crimes in Asia, such as in Korean Peninsula, China and Southeast Asia. I think Japanese people nowadays must know about the war crimes committed by Japan in the past for the peace in the future,” saad ni Takeoka Kenji.

Ayon kay Takeoka Kenji, isa sa mga miyembro ng organizing group, kung hindi matukoy ang mga may kagagawan at biktima ng digmaan, hinding-hindi mabubunyag ang katotohanan ng kasaysayan, kung saan nakagawa ang Japan ng mga hindi katanggap-tanggap na krimen sa Asya tulad sa Korean Peninsula, China, at Southeast Asia.

Aniya, kailangan talagang ipaalam sa lahat ang mga krimeng ginawa ng Japan sa nakaraan para sa kapayapaan ng hinaharap.

“For example, Unit 731 did experiments on live people as well as launched biological warfare and germ warfare, which brought horrible suffering to the Chinese people. However, Japan doesn’t reflect on such actions. Because of the lack of reflection, we need history exhibition like this to make the society be aware of it,” ani Goi Nobuharu.

Ayon naman sa isa pang miyembro ng oranisasyon na si Goi Nobuharu, inilarawan niya ang Unit 731 kung saan nagsagawa ng mga eksperimento ang Japan noon sa mga buhay na tao pati na rin ang paglulunsad nito ng biological warfare at germ warfare na nagdulot ng nakakakilabot na pagdurusa sa mga Chinese.

Ang UNIT 731 ay isang patagong biological at chemical warfare research and development unit ng Imperial Japanese Army na may kinalaman din sa nakamamatay na eksperimento ng tao at paggawa ng biological weapons sa China noong World War II kung saan 200,000 hanggang 300,000 ang tinatayang napatay ng nasabing unit at nakabase ito sa Pingfang District ng Harbin, ang pinakamalaking lungsod sa Japanese puppet state na Manchukuo at may aktibong branch office sa buong China at Southeast Asia.

Follow SMNI NEWS on Twitter