NANALO bilang Miss Grand Philippines 2024 si CJ Opiaza ng Castillejos, Zambales.
Siya ang successor ni Nikki de Moura matapos isinagawa ang coronation night nito sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City noong Setyembre 29.
Kaugnay rito, tutungo si Opiaza sa Thailand ngayong Oktubre 3 para sa Miss Grand International.
Sa kasaysayan, tanging hanggang first runner-up pa lang ang naabot ng Pilipinas dito sa katauhan ni Nicole Cordoves noong 2016 at Samantha Bernardo noong 2020.