Claudine Barretto, dinepensahan ang pamangkin na si Julia sa ama nitong si Dennis Padilla

Claudine Barretto, dinepensahan ang pamangkin na si Julia sa ama nitong si Dennis Padilla

DINEPENSAHAN ni Claudine Barretto ang pamangkin nitong si Julia Barretto laban sa mga pahayag ng ama nitong si Dennis Padilla sa ngayo’y burado na ang Instagram post.

Base sa nasabing post ni Claudine, pinakiusapan nito si Padilla na tigilan na ang pagpapasaring nito laban sa sarili nitong anak sa social media kung saan nababasa at nakikita ito ng publiko.

Dagdag ni Claudine, sumusobra na si Padilla sa mga ibinabahagi nito sa social media at nakiusap din itong maawa sa kanyang mga anak.

Matatandaan na nag-post si Dennis Padilla sa kanyang Instagram account kung saan hindi naging maganda ang reaksyon nito sa naging pahayag ni Julia sa isang panayam kung saan sinabi nitong hindi pa niya kayang patawarin ang kanyang ama dahil sa sobrang sakit na idinulot nito sa mga nakalipas na taon.

Base sa mga naging tirada ni Padilla, naubos nito ang lahat ng kinita niya bilang aktor upang mabigyan ng kumportableng buhay si Julia at iba pa nitong kapatid na si Claudia at Leon.

Samantala, siniguro naman ni Marjorie Barretto na poprotektahan at hindi nito kailan man tatraydorin ang kanyang anak.

 

Follow SMNI News on Twitter