Claudine Barretto, proud sa naging achievement ng mga anak

Claudine Barretto, proud sa naging achievement ng mga anak

PROUD na ibinahagi ng artistang si Claudine Barretto ang pagbubukas ng sariling coffee shop business ng kaniyang mga anak na sina Sabina at Quia.

Sa kaniyang social media post, ibinahagi nito ang ilang litrato ng soft opening ng business ng kaniyang mga anak at ng mga kaibigan nito.

Inulan naman ng komento mula sa netizens ang nasabing post.

Bukas ang nasabing coffee shop mula 9am to 4pm na matatagpuan sa Marquinton Residences, Toyota Ave. Marikina City.

Matatandaang, kamakailan lamang ay nagtapos si Sabina sa ika-8 baitang noong Mayo sa Multiple Intelligence International School sa Quezon City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter