BALIK sa Quezon ang opening ngayong araw ng Biyernes, Pebrero 9, sa pinakabagong fuel station ng Cleanfuel.
At ayon sa management, mahalaga sa kanilang QC dahil dito nagsimulang magkaloob ng quality fuel for less sa mga motorista sa mga nagdaang panahon.
Pero, mag-iiba na ng direksiyon ang kompanya sa pagbubukas ng kanilang Biak na Bato station.
Ito’y dahil renewable energy na ang gagamitin ng Cleanfuel sa kanilang mga istasyon, ayon kay Cleanfuel President and CEO Atty. Bong Suntay.
“From now on, all of the Cleanfuel that were opening will be solar powered na. In fact, lahat ng mga istasyon ng Cleanfuel were starting to install solar panels,” Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay, Cleanfuel President and CEO.
Maraming magandang dulot ang paggamit ng solar panel lalo na dito sa Pilipinas.
Lalo na’t sagana ang bansa sa solar exposure bilang isang tropical country.
Makababawas ito sa greenhouse emissions na malaking contributor sa global warming at climate change.
Kaya kahit capital intensive o may kamahalan ang solar power, mas pinili ng Cleanfuel na gamitin ito.
Patunay sa kanilang commitment sa paggamit ng ‘Clean’ energy sources.
“Well, our way of giving back to the community and telling everyone that Cleanfuel is an environmentally friendly and were contributing something to the environment,” wika ni Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay, Cleanfuel President and CEO.
Kahit nagpapatuloy ang trend sa pagtaas sa presyo ng oil products, mananatili naman ang kompanya sa commitment na humanap ng paraan upang mabawasan ang bigat ng mga motorista.
“As we all know we have started our importation and we are trying to source the best possible fuel that we can at the lowest possible price so we could continue to pass it on to the consumers,” ayon pa kay Suntay.
Pinakamaaga sa mga nagpapatupad ng rollback ang Cleanfuel sa lingguhang price adjustment.
Pinakahuli naman ang kompanya sa mga nagpapatupad ng dagdag-presyo.
Para sa iba pang impormasyon at promos, i-download lamang ang kanilang Cleanfuel App.