Cleanfuel, nagbukas ng ikalimang gas station sa Pampanga

KAMAKAILAN lang ay nagbukas ang CleanFuel, isang independent oil company, sa ikalima nitong gasoline station sa lalawigan ng Pampanga.

Matatagpuan ang bagong gasoline station sa McArthur Highway sa Barangay Mabiga, Mabalacat, Pampanga. Nagbukas ito nakaraang Disyembre 19, ilang araw bago ang Pasko.

“The opening of Cleanfuel Mabalacat Station shows that we are committed to help the City of Mabalacat and the nearby areas and proves our confidence on the resiliency of the Filipino people and the local economy of Pampanga despite the challenges that our nation have encountered in 2020 as we all look forward for a better year ahead,” ayon sa pahayag ni Cleanfuel president Atty. Bong Suntay.

Ang bagong naitayong gas station ay may lawak na 3,000 metro kwadrado na nakahandang magserbisyo sa mga dumadaang motorista at mga residente sa lugar.

Kabilang sa mga produkto ng Cleanfuel ang Clean91, Premium 95, Euro-4 diesel.

Nakatitiyak naman ang kompanya sa kanilang key selling point na “Quality Fuel for Less’ —slogan ng kompanya —bilang kanilang malakas na opensiba sa mga kalaban sa negosyo.

Isa na rin itong karagdagan sa lumalaking bilang ng mga istasyon ng Cleanfuel sa Pampanga. Dumutog ito sa dalawa pang istayon sa San Fernando (J. Abad Santos Ave. at sa McArthur Highway), sa Angeles (Fil-Am Friendship Highway, Barangay Sto. Domingo) at sa Lubao station (J. Abad Santos Avenue, Barangay San Isidro).

“As this is not the first time that Cleanfuel has set foot in Pampanga, we are confident that the Mabalacat Station will further develop the synergy of the brand as it strives to provide top notch service and quality fuel for less to the motorists in the area,” ayon kay Suntay.

Bukod sa mga produkto ng gasolina, ipinagmalaki rin ng Cleanfuel ang first-class na mga pasilidad kagaya ng malinis at malawak na air-conditioned restrooms, credit card facility, at air and water services.

Dagdag pa rito, hinihikayat ng Cleanfuel ang mga motorista na mag-sign up at kumuha ng libreng VIP reward cards para makakuha ng mga reward program na puno sa maraming giveaways at discounts kasama ng mga katambal na negosyo nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.