Cleveland Cavaliers tinambakan ang Minnesota Timberwolves

Cleveland Cavaliers tinambakan ang Minnesota Timberwolves

TULOY-TULOY ang pamamayagpag ng Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference ng nagpapatuloy na NBA relugar season.

Laban ng koponan kontra Minnesota Timberwolves, nagwagi ito sa iskor na 128-107.

Sa unang quarter pa lang, inalayo agad ng CAVS sa 18 points ang kanilang kalamangan at umabot pa ito sa 26 points sa end of third quarter.

Pagpasok ng huling 12 minuto ng kanilang laro, tuluyan nang bigong makahabol ang Timberwolves.

Pinangunahan naman ni Evan Mobley ang Cavs na may 28 points at 10 rebounds habang may 23 points naman si Donovan Mitchell.

Sa ngayon, nananatili sa top spot ng Eastern Conference ang Cavaliers.

Oklahoma City Thunder, hindi pinaporma ang New Orleans Pelicans

Sa iba pang laro, hindi naman pinaporma ng Oklahoma City Thunder ang New Orleans Pelicans kung saan nagtapos ang kanilang laban sa iskor na 137-101.

Simula sa unang quarter hanggang sa matapos ang kanilang laro ay kontrolado ito ng Thunder.

Pinangunahan naman ang koponan ni Shai Alexander na may 31 points habang may 24 points si Aaron Wiggins.

Sa ngayon, nangunguna sa Western Conference ang koponan na may 42 panalo at 9 na talo, dala ang impresibong winning streak.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble