HINIHIKAYAT ngayon ng ilang Hollywood celebrities na maisulong sa industrya ang pagharap sa climate change.
Kaya nabuo ang Hollywood Climate Summit, upang himukin ang lahat ng artist at filmmakers na gumawa ng mga pelikulang makatutulong sa pagsulong ng climate change.
Ayon kasi sa isang pag-aaral, 0.6 porsiyento lamang ng nasa 37,000 pelikula sa Hollywood ang gumamit ng mga salitang climate change sa kanilang mga script.
Ilan sa mga Hollywood artist na nakiisa dito ay sina Jane Fonda, TV writer Ali Weinstein, Quinta Brunson, Daniel Kwan, Daniel Scheinert, Stephanie Hsu at marami pang iba.