PINANGUNAHAN ni Kawhi Leonard ang opensa ng Clippers matapos magpakawala ng 21 puntos, 11 rebounds, at 6 assists—isang…
Hindi rin nagpahuli si James Harden na nag-init sa first half, nagtala ng 20 puntos, 9 assists, at 6 rebounds—isang vintage Harden display.
Kasama rin sa opensa si Norman Powell na may 20 puntos, habang si Ivica Zubac ay muntik nang mag-double-double sa kaniyang 19 puntos at 9 rebounds.
Sa kampo ng Nuggets, si Nikola Jokic ang naging sandigan ng opensa matapos makapagtala ng kaniyang ika-20 career playoff triple-double—23 puntos, 13 rebounds, at 13 assists.
Si Jamal Murray ay tumulong din sa scoring load na may 23 puntos, habang si Aaron Gordon ay may 15 puntos at 7 rebounds.
Maaga pa lang ay bahagyang lumamang ang Nuggets, 26-19, ngunit rumatsada ang Clippers sa pamamagitan ng explosive 23-2 run para agawin ang momentum.
Mula roon, hindi na nila binitiwan ang kalamangan, na lumobo pa hanggang 37 puntos sa final quarter.
Hindi na nakabalik sa second half si Russell Westbrook ng Nuggets dahil sa iniindang pananakit ng kaniyang kaliwang paa.
Game 4 ng serye ay gaganapin pa rin sa home court ng Clippers sa darating na Sabado ng gabi, Abril 26 (Linggo ng umaga sa Pilipinas).