SIMULA nitong unang araw ng buwan ng Hunyo, ipagbabawal na ang panghuhuli ng isda o tinatawag na closed fishing season ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipatutupad hanggang sa buwan ng Agosto.
Sa nasabing panahon ay mahigpit na ipinagbabawal ang panghuhuli ng isda gaya ng mga mackerel o mas kilala sa tawag na karabalyas, hasa-hasa, anduhao, alumahan, galunggong, moro-moro, at matangbaka sa Davao Gulf.
Ito ay para masiguro ang pagdami ng mga uri nito at matiyak ang suplay ng produksiyon nito sa mas mahabang panahon.