PAWANG no. 3 na sa rankings sa elimination round ng 2025 PVL All-Filipino Conference ang Choco Mucho Flying Titans at Cignal HD Spikers.
Player of the game once more si Sisi Rondina matapos pinangunahan ang naging game ng Choco Mucho Flying Titans kontra NXLED Chameleons nitong Huwebes, February 13, 2025.
23 points ang ambag ni Rondina para sa Flying Titans kasama ang 12 points ni Isa Molde; tig-9 points nina Dindin Santiago-Manabat at Maika Ortiz; at tig-7 points ni Royse Tubino at Cherry Nunag.
Dahil dito, panalo ang CMFT sa iskor na 25-21, 23-25, 21-25, 25-23, 15-10.
Sa sumunod na laban, ang rookie na si Ishie Lalongisip ang Player of the Game matapos nag-ambag ng 20 points para sa Cignal HD Spikers.
17 points naman ang ambag ni Jackie Acuña; 14 points kay Vanie Gandler; at 8 points mula kay Gel Cayuna.
Sa kabuoan, 25-18, 25-22, 21-25, 25-11 ang scoring sa pagitan ng HD Spikers at Zus Thunderbelles.
Samantala, dahil dito, third place na sa rankings sa nagpapatuloy na elimination round ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference ang Choco Mucho at Cignal.
Follow SMNI News on Rumble