COA Chairman Calida, walang sasantuhin na ahensiya ng pamahalaan

COA Chairman Calida, walang sasantuhin na ahensiya ng pamahalaan

SINALUBONG si Atty. Jose Calida ng mga empleyado sa Commission on Audit (COA) sa unang araw nito sa komisyon.

Si Calida ang napili ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos bilang bagong chairman ng COA.

Sa kanyang unang araw sa trabaho ay isinalang muna ito sa briefing.

Sa isang interview sinabi ni Calida na mas lalong maging aktibo ang COA sa susunod na 6 na taon.

Batay sa marching order ni PBBM ay dapat aniyang mahigpit na babantayan kung papaano ginagastos ng mga government agencies ang pera ng taumbayan.

Siniguro ni Chairman Calida na asahang laging mananalo ang COA sakaling may irereklamo silang corrupt na ahensiya ng pamahalaan.

“Babantayan talaga namin kasi sa Supreme Court pa lang panalo na kami palagi eh,” pahayag ni Calida.

Nang tinanong kung kamusta ang kanyang obserbasyon sa ahensiyang kinabibilangan ay sinabi ni Calida na mabuti naman ang ginagawa ng COA.

Pero nilinaw nito na bigyan lamang aniya siya ng sapat na panahon na ma-assess ang COA at iba pang ahensiya ng gobyerno patungkol sa usapin ng kuropsiyon.

“As I have said, this is my first day so malaman ko din later on of how good they are or how bad they are but I want them to be good,” ani Calida.

Samantala, kapansin-pansin sa kanyang unang araw na kasama ni Chairman Calida si Jayke Joson, ang kilalang dating aide ni Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay Jayke asahan na lagi siyang makakasama ni Calida sa mga unang araw lamang nito sa kanyang bagong assignment.

“Basta dito lang ako sa tabi nyo, happy na ako. Okay? Basta dito lang ako behind the scene lagi,” ani Joson.

Matatandaan na si Calida ay dating itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Office of the Solicitor General kung saan mga mabibigat at kontrobersyal na kaso ang kanyang mga nahawakan.

 

Follow SMNI News on Twitter