KINUWESTIYON ng Commission on Audit (COA) ang Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa umano’y hindi maayos na implementasyon ng kanilang lokal at foreign-assisted projects na nagkakahalaga ng P215.9B.
Batay sa kanilang report, nasa 3,047 na locally-funded projects na nagkakahalaga ng P131.5B (P131,569,418,441.24) ang hindi mabisang naipatupad ng DPWH dahil sa hindi sapat na planning, hindi detalyadong engineering, supervision, at monitoring.
Dahil nga rin sa hindi naipatupad ang mga proyekto, nilabag na nito ang implementing rules and regulations ng Government Procurement Reform Act maging ang napagkasunduang terms and conditions ng kontrata.
Sa mga foreign-assisted projects, 17 ang hindi maayos na naipatupad at nagkakahalaga ito sa kabuuan ng P84B (P84,411,319,510.12).