PINUNA ngayon ng Commission on Audit (COA) ang P2.3B na investment ng Government Service Insurance System (GSIS) sa tatlong kompanya.
Ito’y dahil ang tinutukoy na mga kompanya ay walang record na kumikita sa nakalipas na tatlong taon.
Hindi rin nagbayad ang mga ito ng dividends o bahagi ng kita sa mga stockholder nila kahit isang beses sa kaparehong panahon.
Maliban pa rito, bigo rin silang kolektahin ang nasa P14.7B na premium contributions na binayaran ng mga empleyado sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno noong 2023.