ISA sa pinakapaboritong inumin ng mga Pilipino ay ang kape—mula sa agahan hanggang sa meryenda.
Hindi maaaring mawala ang mainit o malamig na tasa ng kape sa ating hapag-kainan.
Pero, hindi lahat ng kape ay masustansiya dahil maraming komersiyal na brand ng kape, lalo na ang mga instant at flavored coffee, ang naglalaman ng mataas na asukal.
Ang labis na pagkonsumo ng asukal ay maaaring magdulot ng pagtaas ng timbang, sakit na diabetes, at ibang banta sa kalusugan.
Sa kabila nito, isang brand ng kape ang patuloy na namamayagpag sa panlasa ng mga Pilipino dahil sa mga sangkap nitong makatutulong sa ating katawan kagaya na lamang ng Coach Eddie 10-in-1 coffee.
Kakaiba at natatangi anila ang kanilang ginamit na sangkap na nagmula pa sa Malaysia na kilala bilang ‘best coffee in the world’.
“Green coffee has been proven of the best source of antioxidants and this antioxidants can enhance the brain function of a person. It can give you a protection of Alzheimer’s Disease, Parkinson’s Disease and even memory loss because of this antioxidants na nasa coffee natin,” pahayag ni Eddie Mahilum. CEO, Skyscraper International-Cebu.
Kabilang pa aniya sa mga sangkap ng Coach Eddie 10-in-1 coffee ay green barley, mangosteen, collagen, l-carnitine, green tea, robusta coffee, stevia, psyllium husk at non-dairy creamer na makatutulong din sa pagpapabuti ng metabolismo at pagbabawas ng blood sugar level.
Maaari din itong makatulong sa pagbaba ng timbang, pagpapababa ng inflammation at pagpapanatili ng maayos na blood pressure na kapaki-pakinabang para sa puso.
Ang Coach Eddie 10-in-1 coffee ay kilala na, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang award-winning CEO ng Skyscraper International-Cebu na si Eddie Mahilum ay halos 16 taon nang tumutulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng de-kalidad na kape sa mga Pilipino.
Ngayong 2025, isang bagong mukha ang naging katuwang ng kompanya para mas lalo pang lumawak ang matulungan ng Coach Eddie 10-in-1 coffee.
Siya’y isang beteranang aktres na kilala dahil sa kaniyang galing sa pag-arte na umani na rin ng iba’t ibang parangal.
Kilala rin ito dahil sa pagiging health advocate na swak na swak bilang endorser ng Coach Eddie 10-in-1 coffee.
“I’m very happy because it aligns of what I advocate which is health and wellness. Anything has to do in health and wellness I’m always happy to be able to share it in anyway I can. The feelings is gratefulness and I feel very blessed,” Jackie Lou Blanco, Actress & Endorser, Coach Eddie 10-in-1 Coffee.
Para sa aktres na si Jackie Lou Blanco, importante aniya na ang produktong kaniyang iniendorso ay kalidad na makatutulong sa mga Pilipino.
Kung pagbabasehan aniya kasi ang datos, maraming Pilipino ang nagkakasakit o namamatay dahil sa mga iniinom o kinakain na hindi masustansiya sa kalusugan ng tao.
“When it was brought to me pinag-aralan ko at tiningnan ko. Sabi ko wow ang daming ingredients na magaganda na like me personally I take collagen in a regular basis I tried Mangosteen, I tried psyllium. So, sabi ko wow okay to kasi ‘yung mga tini-take ko ay nandito siya,” pahayag pa ng beteranang aktres.
Umaasa naman si Eddie Mahilum na mas magiging matagumpay at kilala pa ang kanilang produkto sa pamamagitan ng kanilang pagtutulungan.
“I can see already, I can forecast na we will increase our sales. I’m hoping that our partnership last long and we will continue our partnership promoting good health,” ayon pa kay Mahilum.