KONTENTO at masaya ang head coach ng Meralco Bolts na si Norman Black sa Basketball performance ng import na si US-born Panamanian Tony Bishop.
Magugunitang ang original option ng Meralco para maging import nito ay si Shabazz Muhammad para sa 2021 Governors’ Cup.
Ani Norman Black, maayos ang naging performance ni Bishop sa nakalipas na dalawang laro.
Nakakuha si Black ng 28 points at 13 rebounds na may 2 assists at dalawang steals sa opening win ng Bolts laban sa Blackwater.
Matatandaang, nanalo rin ang Meralco Bolts laban sa sister team nito na TNT noong Miyerkules.
Aminado si Norman Black coach ng Meralco na hindi madali na makalaban ang TNT dahil aniya isa ito sa pinaka-talented na PBA team at kailangan ng magandang defense para magkaroon ng tsansa na matalo ito.