Coast Guard Station Occidental Mindoro, namahagi ng food packs sa mga mangingisdang pumapalaot

Coast Guard Station Occidental Mindoro, namahagi ng food packs sa mga mangingisdang pumapalaot

NAMAHAGI ang Coast Guard Station Occidental Mindoro katuwang ang Coast Guard Sub-Station San Jose ng food packs upang ipadama ang diwa ng Pasko sa mga mangingisdang pumapalaot sa katubigang sakop ng San Jose, Occidental, Mindoro noong ika-07 ng Disyembre 2024.

Ang bawat food packs ay naglalaman ng bigas, noodles, at de lata, na may layuning makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mangingisda.

Dahil dito, lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap.

Ang nasabing aktibidad ay isa lamang sa mga programang inilunsad ng CGSOM ngayong kapaskuhan, na naglalayong magbigay ng saya at pag-asa sa komunidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter