IKINOKONSIDERA ng Manila at Denmark ang pagkakaroon ng coast guard-to-coast guard cooperation.
Kasunod ito sa naging pagpupulong ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo at ng Danish Foreign Minister na bumisita ngayon sa bansa.
Binisita na rin ng Danish foreign minister ang headquarters ng Philippine Coast Guard at doon na siya na-briefing hinggil sa mga nangyayaring tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).
Nasa Pilipinas ang Danish Foreign Minister simula kahapon, Disyembre 9 hanggang ngayong araw, Disyembre 10.
Ito na ang muling pagbisita ng isang foreign minister mula Denmark sa Pilipinas matapos ang 25 taon.