NAGSAGAWA ng coastal clean-up drive ang Philippine Air Force sa Manila Dolomite Beach sa Roxas Boulevard.
Ito ay bilang pakikiisa sa International Coastal Clean-up Day bukas, Setyembre 17.
Kabuuang 150 sako ng iba’t ibang basura tulad ng plastics, wrappers, face masks, plastic bottles at iba pang waste materials ang nakuha sa lugar.
Kabilang sa nakibahagi sa clean-up drive ang mga Officer, Enlisted Personnel at Civilian Human Resource ng Philippine Air Force Human Resource Management Center (PAFHRMC) na pinamunuan ni Lieutenant Colonel Joan Dalmacio bilang bahagi ng pre-anniversary celebrations.