GINAGAMIT na muli ang coastal runway sa Haneda Airport sa Japan para sa ilang flights.
Ito’y matapos ang halos isang linggo mula ng magkaroon ng banggaan sa pagitan ng isang eroplano ng Japan Airlines at japanese Coast Guard aircraft na naging sanhi nang pagkasunog nito.
Kung matatandaan, bukas na ang tatlong runways ng Haneda Airport noong gabi matapos mangyari ang pagkasunog subalit nananatiling nakasara ang coastal runway para sa imbestigasyon, paglilinis ng mga labi at pagkukumpuni.
Dahil bukas na muli ang coastal runway, malapit na ring ganap na magbalik-normal ang operasyon ng paliparan.