Coco Naik ng OFW Concerns, nagsalita sa Hakbang ng MAISUG Peace Rally sa Cagayan de Oro City

Coco Naik ng OFW Concerns, nagsalita sa Hakbang ng MAISUG Peace Rally sa Cagayan de Oro City

NAGSALITA si Coco Naik ng OFW Concerns sa Hakbang ng MAISUG Peace Rally – Cagayan de Oro City ngayong araw, Sabado Hulyo 27, 2024.

Ipinaalala nito ang nagawa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kabilang dito ang pagtatag ng Department of Migrant Workers (DMW) at OFW Hospitals.

Ramdam aniya sa dating administrasyon ni Duterte ang pagmamahal para sa mga OFW.

Kabaliktaran ani Naik sa kasalukuyang Marcos Jr. admin.

Binigyan diin din nito na walang nananalo sa giyera.

Kaya payo nita na maging mapagmatyag sa mga nangyayari ngayon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble