Cold storage facilities, marami-rami subalit nakareserba sa traders –grupo ng magsasaka

Cold storage facilities, marami-rami subalit nakareserba sa traders –grupo ng magsasaka

MARAMI-rami ang cold storage facilities subalit naka-reserba na ang mga ito sa traders bago pa mangyari ang anihan.

Sa panayam ng SMNI News kay Elvin Laceda, CEO at farmer ng RiceUp Farmers Inc., ito ang isa sa rason kung bakit napipilitan ang mga maliliit na magsasaka na ibenta sa mababang halaga ang kanilang mga produkto sa traders.

Inamin ni Laceda na kung matututukan at masuportahan lang ang mga magsasaka ng sibuyas ay naabot at nakukuha nilang makapag-produce ng mahigit 200-k metric tons na kinakailangang suplay para sa bansa. cold storage facilities

Iilan sa mga lugar na malaki ang produksyon ng sibuyas ay ang Nueva Ecija, Occidental Mindoro, Iloilo, Pangasinan, at Tarlac.

Samantala, dumating na noong Biyernes, Enero 20, 2023 ang ilang metriko toneladang sibuyas na inangkat ng Pilipinas.

Bahagi ito ng higit 21,000 metriko tonelada ng sibuyas na inaprubahang angkatin ng Department of Agriculture na layong mapababa ang presyo nito sa merkado.

Follow SMNI NEWS in Twitter