WAGI ang College of Saint Benilde sa 2023 V-League Women’s Collegiate Challenge laban sa University of the East noong Linggo sa Paco Arena.
Nakuha ng Lady Blazers ang panalo laban sa Lady Warriors sa score na 23-25, 25-22, 29-27 at 25-18.
Nakapagtala ng 23 points si Lady Blazers Gayle Pascual na nagpakita rin ng galing at lakas sa third set ng laro habang 20 points naman para kay Jade Gentapa.
Ang panalong ito ng Lady Blazers ay isang magandang panimula matapos itong matalo ng FEU sa kanilang huling laro noong Setyembre 8.