ITINANGHAL ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong pinuno ng Presidential Security Group (PSG) si Chief Colonel Randolph Cabangbang Philippine Army’s (PA) 2nd Infantry Division (ID).
Opisyal ng pinalitan ang pinuno ng Presidential Security Group na si outgoing PSG Chief Brig. Gen. Jesus Durante III sa pamamagitan ng isang Change of Command Ceremony sa Davao City.
Bago pa ang Change of Command Ceremony, ipinahayag ni PSG spokesperson Major. Zeerah Blanche Lucrecia na mismong si Pangulong Duterte ang pumili sa bagong liderato ng nasabing security group.
“I would like to inform you that Colonel Randolph G. Cabangbang is our incoming Commander,”ayon kay Major Lucrecia.
Si Colonel Randolph Cabangbang ang naging hepe ng 2nd ID sa Tanay, Rizal mula August taong 2020.
Nagsilbi rin siyang PSG Chief of Staff mula September 2019 hanggang August 2020.
Nagtapos si Cabangbang ng Bachelor of Science Degree ng Philippine Military Academy sa Baguio City taong 1991.
Nangunguna si Cabangbang sa kanyang officer candidate course sa Armed Forces of the Philippines at officer candidate school sa probinsiya ng Tarlac noong 1992.
Hindi rin matatawaran ang kagitingan nito matapos siyang tumanggap ng iba’t ibang pagkilala gaya ng bronze cross medals, military merit medals, commendation medals, military civic action medals, at letters of commendation, certificate at plaque of appreciation.
Si Cabangbang ay pang limang hepe ng PSG mula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte.