IBINASURA ng COMELEC 2nd Division ang petisyon na humihiling na kanselahin ang Certificate of Candidacy o COC dahil sa “material representation”.
Ang mismong nag pahayag ng desisyon ng COMELEC 2nd Division ay ang petitioner laban kay Bongbong Marcos na si Atty. Theodore Te.
Sa kanyang twitter post, inihayag ni Atty. Te na natanggap nila ang desisyon ng petisyon kaninang alas 9:50 ng umaga ngayong araw.
Dagdag pa ni Te, hindi nila sinasang-ayunan ang naturang desiyon ng Comelec 2nd Division at magpapasaklolo na sila sa En Banc.
Hindi naman inilatag ni Te kung ano ang kanilang grounds para sa kanilang ihahaing motion for reconsideration.
Desisyon sa disqualification cases laban kay Marcos ng COMELEC 1st Division , ipinagpaliban ngayong araw
IPAGPAPALIBAN ng Commission on Election (COMELEC) ang pagpapalabas ng resolusyon hinggil sa disqualification case ni Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay ayon kay COMELEC Director 3 Elaiza Sabile David matapos magpositibo sa COVID-19 ang staff member ng isang commissioner na humahawak sa petisyon laban kay Marcos.
Dahil dito, sinabi ni David na hindi pa naihanda ang draft ng desisyon hinggil dito.
Sa ngayon aniya ay prayoridad muna ang pagpapagaling ng mga nagpositive na staff.
Mababatid na sinabi ni Commissioner Rowena Guanzon na ngayong araw nakatakdang maglabas ng desisyon ang First Division ng Commission on Elections (COMELEC) sa tatlong petisyon laban kay Marcos.
Sa susunod na Linggo naman maglalabas ng ruling ang COMELEC Second Division para sa petisyon na pagpapakansela sa Certificate of Candidacy ni BBM.