COMELEC at mga guro, pinuri at pinasalamatan ni Pastor Apollo sa maayos at mapayapang halalan ngayong taon

COMELEC at mga guro, pinuri at pinasalamatan ni Pastor Apollo sa maayos at mapayapang halalan ngayong taon

PINURI at pinasalamatan ng honorary chairman ng SMNI na si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy ang Commission on Elections (COMELEC) at ang mga gurong naging tagapagbantay ng boto ng sambayanang Pilipino kaya naman naging maayos at mapayapa ang halalan ngayong 2022.

“Napaka-smooth. Ganito pala, pwede pala na maging smooth na ganito. Eh noon, daming mga, parang sa kalye, pagkanoon talaga mayroong, magic magic ang ginagawa pero ngayon dahil namulat ang mga taumbayan. Tutukan natin ang smart magic, Smartmatic pala, tapos tutukan natin ang COMELEC,” paglarawan ni Pastor Apollo sa naging takbo ng halalan ngayong taon.

Bagama’t may iilang aberya ang na-ireport sa ibang panig ng bansa, sa kabuoan ay itinuturing na matiwasay ang naging takbo ng eleksyon ngayong taon.

Matatandaan ding iniulat ni Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr, bilang co-chair ng National Cyber Security Inter-Agency Committee, na mahigit dalawampung libong beses na sinubukang i-hack ang server ng COMELEC na gagamitin sa automated system bago ang May 9 elections pero hindi nagtagumpay ang hacker na pasukin ito.

Kaya naman masayang pinuri ni Pastor Apollo ang COMELEC dahil naprotektahan ang integridad ng halalan.

“Kudos to the COMELEC. Good job COMELEC. Limang heart para sa inyo – Commissioner Garcia, limang heart ka sa akin. Good job COMELEC. Napakahusay ng ginawa niyo although napakalaking responsibilidad. Buong Pilipinas except for a few glitches. You did an excellent and splendid job,” ayon pa sa butihing Pastor.

Kinilala rin ng butihing Pastor ang naging gampanin ng mga guro sa eleksyon ngayong taon.

“All the teachers in the whole Philippines, kudos sa inyong lahat na pagiging tapat na hindi kayo nagpagamit sa  mga dayaan, na walang mga pre-printed ballots, na kapag wala ng tao sa presinto, fini-feed niyo. Wala ngayon kasi mulat na ang taumbayan na nakatutok na walang dayaan ito,” ani Pastor Apollo.

Kahit ang UP School of Statistics ay naglabas din ng pahayag kaugnay sa mga kumakalat na posibleng may dayaan ngayong halalan, sa kanilang opisyal na pahayag, wala pang matibay na ebidensya ang nakikita na nagkaroon ng dayaan.

Follow SMNI News on Twitter