BUKAS ang Commission on Elections (COMELEC) sa panukala na sasailalim sa drug tests ang sinumang tatakbo sa 2025 midterm elections at isama ito sa kanilang certificate of candidacy.
Ayon kay COMELEC Chair George Garcia, hindi man mandatory pero hindi anila pipigilan ang isang kandidato na maging transparent.
Bilang tugon na rin ito ni Garcia sa panukala ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte na maamyendahan ang Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para gawing opisyal ang voluntary random drug tests ng mga kandidato sa loob ng 90-araw bago ang mismong araw ng eleksiyon.
Target din ng panukala na dumaan sa isang mandatory random hair follicle drug test ang lahat na elected at appointed government officials sa bansa.
Isasagawa ang mandatory random hair follicle drug test tuwing anim na buwan.