AYON kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ang National Rally for Peace ng INC ay isang pagsasama-sama para sa pananampalataya at pagkakaisa.
Sa kaniyang pahayag, binigyang-diin ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang kahalagahan ng pagkakaisa sa kapatiran ng Iglesia at pinayuhan ang lahat na iwasan ang pagiging epalitiko sa nasabing kaganapan.
“Isang pagsasama-sama para sa pananampalataya at pagkakaisa po ito. Kasapi tayo sa kapatiran ng Iglesia, sa kanilang napakabuting hangarin.”
“Hindi dapat sinasamantala ng ilan para sa pansariling kapakanan.
Iwasang maging epalitiko,” pahayag ni Chairman George Erwin Garcia.