COMELEC Chair, sinagot ang paratang vs. bribe money mula South Korea

COMELEC Chair, sinagot ang paratang vs. bribe money mula South Korea

NILINAW ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia na wala siyang bank accounts abroad.

Tugon niya ito hinggil sa ulat na mayroong isang COMELEC official ang tumanggap ng bribe money mula sa limang South Korean accounts noong isinasagawa pa ang bidding para sa bagong Automated Elections Systems (AES) service provider ng bansa sa 2025 midterm elections.

Naunang sinabi ni SAGIP Party List Rep. Rodante Marcoleta na nais niyang paimbestigahan ang P18-B na poll automation deal ng COMELEC sa pagitan ng South Korean firm na Miru Systems.

Ito’y matapos nadiskubre ng kaniyang team na mayroong kahina-hinalang P120-M na deposits mula South Korea sa 49 offshore accounts ng isang COMELEC official.

Ang deposits ay ginawa mula Hunyo 22, 2023 hanggang Marso 22, 2024.

Ayon kay Marcoleta, kasabay ng naturang time frame ang bidding para sa magiging bagong AES service provider para sa midterm polls.

Kalaunan nga ay nanalo ang Miru Systems kahit pa may pangit na record ito sa ibang bansa.

Sinabi naman ng kongresista na isasailalim nila sa verification ang mga natanggap na impormasyon

Sa panig ni COMELEC Chair Garcia, demolition job ito ng mga hindi sang-ayon na ang Miru ang magiging AES service provider sa 2025.

Dagdag pa ni Garcia, alam niya na ang demolition job na ito kontra COMELEC dalawang linggo na ang nakalipas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble