COMELEC chief, handang humarap sa impeachment complaint na ihahain laban sa kaniya

COMELEC chief, handang humarap sa impeachment complaint na ihahain laban sa kaniya

HANDANG harapin ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia ang posibleng impeachment complaint na ihahain laban sa kaniya.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa isyu na umiikot sa election systems provider na Miru.

Nauna nang sinabi ni dating Congressman Edgar Erice noong Oktubre 7 na maghahain siya ng impeachment complaint laban kay Garcia dahil anila ‘bias’ ito sa Miru Systems.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naghain ng complaint si Erice dahil noong Abril, may petisyon na rin ito sa Korte Suprema.

Layunin ng kaniyang petisyon ang mahinto ang kontrata ng COMELEC sa pagitan ng Miru na nagkakahalaga ng P17.9B.

Samantala, hinggil sa 2025 midterm polls, sinabi ng COMELEC chair na hindi ito maapektuhan kahit pa matuloy ang isang impeachment complaint sa kaniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble