PINAIIMBESTIGAHAN ng Partido Federal ng Pilipinas si Comelec Commissioner Rowena Guanzon matapos itong ilabas ang boto nito para i-disqualify si Presidential Aspirant Bongbong Marcos.
Ayon sa abogado ng partido na si Atty. George Briones, fake news ang pahayag ni Guanzon dahil wala pang opisyal na desisyon ang Comelec first division sa mga petisyon.
Tinawag din ni Briones na premature ang hakbang ni Guanzon na ipalabas ang kanyang dissenting opinion laban sa mga petisyon kay Marcos at dapat aniya itong ma-disbar.
Dapat din aniya itong tanggalan ng retirement benefits dahil sa sinisira nito ang reputasyon ng institusyong pinaglingkuran nito.
Binigyang diin din ni Briones na supporter ito ni VP Leni Robredo na tumatakbo ngayon sa pagka-pangulo.