HINDI na itutuloy ng Commission on Elections (COMELEC) ang paghahain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema kaugnay ng desisyong tuluyang pag-abandona sa tinatawag na 2nd Placer Rule.
Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, nagkasundo sila ng Office of the Solicitor General na sa halip na maghain ng motion for reconsideration, ay hihiling na lamang sila ng clarification o paglilinaw mula sa Korte Suprema hinggil sa kaso ng COMELEC kontra kay Datu Pax Ali Mangudadatu.
Sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema, hindi na maaaring palitan ng natalong kandidato ang nanalong lokal na kandidato na nadiskuwalipika o nakansela ang Certificate of Candidacy (COC).
Ang pagpapalit sa naturang posisyon ay dapat gawin sa pamamagitan ng succession o proseso ng paghalili.