COMELEC, ‘di na papayag sa candidate substitution, withdrawal

COMELEC, ‘di na papayag sa candidate substitution, withdrawal

NAPAGDESISYUNAN ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi na pahihintulutan ang candidate substitution pagkatapos ng isang linggong filing ng Certificate of Candidacy (COC).

Ang filing ng COC ay gaganapin sa Oktubre 1-8, 2024 para sa mga nagnanais na tumakbo sa 2025 midterm polls.

Ibig sabihin, kung mag-withdraw o maghain ng substitution sa Oktubre 9 at sa susunod pa na mga araw ay hindi na ito tatanggapin pa ng COMELEC.

Sa pahayag ni COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco, pagbibigyan naman ang substitution kung namatay o nadiskwalipika ang unang naghain ng kandidatura basta’t magkaapelyido at magkapartido ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble