Comelec en banc, kasalukuyang nagsasagawa ng kauna-unahang press conference para sa 2023

Comelec en banc, kasalukuyang nagsasagawa ng kauna-unahang press conference para sa 2023

KASALUKUYANG nagsasagawa ang Comelec en banc ng kauna-unahang press conference nito para sa taong 2023.

Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, handa na sila magtrabaho para sa taong ito.

Ilan sa mga aasahan ng gagawin ng COMELEC sa taong ito ay ang special elections sa Cavite sa Pebrero at ang election summit sa buwan ng Marso.

Ngayong taon ding ito ay ilalahad ng COMELEC ang kanilang proposed budget sa Kongreso para sa 2025 Elections.

Balak din ng COMELEC na puntahan ang Batanes, Kalayaan Island at Tawi Tawi para sa voter registration.

Follow SMNI NEWS in Twitter