COMELEC, gagamit ng higit 200K SIM cards para sa transmission results

COMELEC, gagamit ng higit 200K SIM cards para sa transmission results

NASA 240,000 na SIM cards ang gagamitin ng Commission on Elections (COMELEC) at ilalagay sa mga Automated Counting Machines para sa transmission ng resulta ng darating na eleksiyon.

Ang bilang ng mga SIM cards na ito ay mula sa tatlong telco gaya ng Smart, Globe, at DITO Telecommunity.

Ang gagamiting SIM card ay depende sa mga lugar kung saan malakas ang coverage ng isang network.

Para naman sa area na wala talagang signal, gagamit ng Starlink satellite ang komisyon para sa transmission.

Kahapon, araw ng Huwebes, Oktubre 17, 2024 ay binisita ni COMELEC Chief George Erwin Garcia ang DITO para matiyak ang kahandaan nito sa 2025 elections.

Kumpiyansa ang DITO sa kalidad ng kanilang serbisyo para sa national coverage sa halalan kung saan isa sa mga tiniyak nito ay ang sapat na proteksiyon na meron ang kanilang cloud system laban sa cyberattacks.

Para sa eleksiyon, gagamit ng 60,000 SIM cards ng DITO ang COMELEC, 60,000 din sa Globe habang 120,000 naman na Smart SIM cards ang gagamitin sa eleksiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble