COMELEC gustong saluhin ang 24% withholding tax ng honoraria para sa mga guro

COMELEC gustong saluhin ang 24% withholding tax ng honoraria para sa mga guro

INIHAYAG ni COMELEC Chairman Atty. George Garcia na mas mainam na ang COMELEC ang sasalo sa buwis na ipinapataw sa honoraria ng mga guro na nagsisilbing poll workers.

Sa ngayon, nasa 24 percent ang withholding tax para sa honararia ng mga ito.

Ayon kay Garcia sakali aniyang mairereset ang Brgy. at SK Elections ay makakapagpasa ng batas kung saan ang COMELEC ang magbabayad ng buwis para sa kanilang honoraria.

Kung hindi man magkakaroon ng batas para dito ay umaasa si Garcia na mataasan na lang ang honoraria ng mga guro na magsisilbi sa halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter