Comelec, handa na sa gagawing special elections sa 7th district ng Cavite sa Pebrero 25

Comelec, handa na sa gagawing special elections sa 7th district ng Cavite sa Pebrero 25

KINUMPIRMA ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Erwin Garcia na handa na ang komisyon para sa gaganaping special elections sa 7th District ng Cavite.

Kabilang sa paghahanda na ito ang gagamiting voting counting machines (VCM’s) at ang mga magsisilbing election board inspector.

Inihayag din ni Garcia na magiging mabilis ngayon ang pagboto ng mga botante dahil one is to one ang ratio ng mga VCM’s sa lahat ng presinto.

Kabilang sa makakatuwang ng COMELEC sa gaganaping special elections ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau Of Fire Protection (BFP) at ang Department Of Education (DepEd).

Ang mangyayaring special election ay para punan ang binakanteng pwesto ni Sec. Jesus Crispin Remulla bunsod ng pagkakatalaga nito sa Department Of Justice (DOJ).

Si Remulla ang nanalo bilang kinatawan ng ikapitong distrito ng Cavite ngayong 19th Congress.

Kabilang sa mga maglalaban-laban para pumalit kay Remulla sina dating Trece Martires Mayor Melencio De Sagun Jr; Cavite 7th District Board Member Crispin Diego Remulla, Jose Angelito Aguinaldo at Michael Angelo Santos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter