COMELEC, handang idepensa ang pagdiskwalipika sa Smartmatic

COMELEC, handang idepensa ang pagdiskwalipika sa Smartmatic

HANDANG idepensa ng Commission on Elections (COMELEC) ang ginawang ruling para tuluyan nang i-diskwalipika ang Smartmatic sa pagsali sa anumang bidding projects ng Komisyon.

Ito ang pahayag ni COMELEC chairman Atty. George Garcia kasunod ng napabalitang paghahain ng petisyon ng Smartmatic sa Korte Suprema para i-TRO  (temporary restraining order) ang naturang desisyon ng COMELEC.

Binigyang-diin ni Garcia na inaasahan na nila ang hakbang na ito ng Smartmatic pero wala pa aniya silang natanggap na kopya ng petisyon.

Noong Nobyembre 29 ay inilabas ng COMELEC ang ruling kung saan diskwalipikado na ang Smartmatic na sumali para muling magiging service provider ng COMELEC sa darating na mga halalan.

Bago ang DQ ruling, naging election system provider ng COMELEC ang Smartmatic simula pa noong taong 2010.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble