GAHOL na sa panahon ang Commission on Elections (COMELEC) pagdating sa pag-iimprenta ng mga balota para sa May 12 elections.
Matatandaan na pinahinto ng komisyon ang pag-iimprenta ng mga balota nang lumabas ang Temporary Restraining Order o TRO na pabor sa senatorial aspirant na si Subair Mustapha noong January 14.
Kailangang maidagdag ang pangalan nito sa listahan bilang pagsunod sa direktiba ng kataas-taasang hukuman kahit pa nga nasa anim na milyong balota na ang naimprenta sa National Printing Office.
Kinailangan ding maalis ang pangalan ni Chavit Singson matapos itong maghain ng withdrawal.
Inanunsyo ng komisyon ang resumption ng pag-iimprenta ng balota sa January 22 pero hindi rin ito natuloy dahil sa paglabas ng panibagong TRO na pabor ulit sa isa pang senatorial aspirant na si Francis Leo Marcos noong June 21.
Inanunsyo ng poll body na sa darating na Sabado nalang sila muling mag-iimprenta ng balota dahil sa kailangan ulit baguhin ng komisyon ang kanilang database at ballot face para maidagdag ang pangalan ni Leo Marcos.
Dahil sa pagkakadagdag ni Francis Leo Marcos, naging animnapu’t pito (67) na ang bilang ng mga senatoriable.
Pero ang hindi inaasahan ng COMELEC ay ang paghain ni Leo Marcos ng withdrawal kahapon, araw ng huwebes, dahilan para hindi na naman matutuloy ang re-printing ng balota bukas, araw ng sabado. Kailangan na namang daw kasing baguhin ng poll body ang kanilang ballot face kung saan dapat tanggal na ang pangalan nito.
Balik din sa animnapu’t anim (66) ang bilang ng mga pinal na kandidato sa pagkasenador.
Batay sa anunsyo ng poll body, sa darating na Lunes, hindi na nila iaantala ang re-printing ng mga balota kahit pa nga may mga muling aatras sa araw ng Sabado at Linggo.
Pero sa tanong kung anong gagawin nila sakalit mayroon na namang lalabas na TRO sa oras na nagsimula na sila sa muling pagiimprenta, ito ang sagot ng COMELEC Chief.
‘’Kami po ay sobrang desidido na tumuloy at all cost take note at all cost sa pag-iimprenta ng balota. We cannot afford anymore delays sa ating pag iimrpenta. Masyado na pong mahaba ang tatlong linggo. Kapos na po tayo sa panahon,’’ ayon kay Atty. George Garcia
Follow SMNI News on Rumble