NAGKAROON ng turnover ng mga printing machine ang Commission on Elections (COMELEC) sa National Printing Office sa Quezon City pati ang pag-iimprenta ng mga test ballots, sinimulan nang gawin ng komisyon sa pangunguna ni COMELEC Chairman Atty. George Garcia.
Gumamit ulit ng mga fictitious o inimbentong pangalan tulad ng sa mga artista ang komisyon para sa mga test ballot.
Kung ikukumpara ang mga balotang
gagamitin sa paparating na halalan sa mga balota noong 2022 elections, mas makapal at mas malinaw ito kesa sa dati.
Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, makasaysayan ang pag-iimprenta ngayon ng mga balota gamit ang state of the art na printing machines.
“First in the world sa isang governemnt agency, sa buong mundo kasi hindi pa sila nakapagsuplay ‘yong HP sa kahit anong government agency therefore, kauna-unahang installation ito. Natutuwa kami kasi state of the art ito, sobrang improved version ito ng lahat ng mga printing machines na alam natin so far. Una, Mas mura. Mas economical at number 2 ay mas mabilis. Napakabilis ng paglabas ng balota,” ayon kay Atty. George Garcia, Chairman, COMELEC.
Ang lahat ng petition laban sa mga nuisance candidates ay sisikaping maresolba sa division level bago magtapos ang Nobyembre.
Ayon sa komisyon, ang mga pinal na listahan ng mga kandidato sa National at Local Elections ay mailalabas nila bago ang Disyembre 13 para sa pag-iimprenta ng balota.
Ayon kay Garcia, nasa higit kumulang 70-M balota lamang ang kanilang iiimprentra na tama lang sa dami ng mga rehistradong botante.
Iiwasan na kasi ng komisyon ang pag-iimprenta ng sobra-sobrang balota at ipatutupad ang 1 is to1 ratio sa mga balota.
Paraan ito ng COMELEC, para maalis ang duda ng mga tao sa mga excess ballots at ang mga botante ay maturuan na ingatan ang balotang gagamitin nila sa Mayo 12.
“Ang problem kasi ‘yong may excess ballots, ang tanong lagi ng iba, nasaan napunta ‘yong mga excess ballots? Although meron naman kaming SOP para sa mga excess ballots. Hindi mo pa rin mapapawi sa isip ng lahat na pagdudahan kung saan napupunta ang mga excess ballots at saka pag may excess ballots kasi it creates in the minds of the voters, the impression na pwede naman palang magkamali, o pwede namang mapunit namin ang balota o pwede naman pala naming ibalik ang balota, magpapalit kami ng balota sa mismong electoral board members dahil may excess ballots naman pala sa loob ng presinto,”ani Garcia.
Iniiwasan din ng komisyon ang mga maari pang gawin ng mga botante sa balota kung alam nilang may mga extrang balota ang COMELEC.“Papaano kung ang strategy noong boboto ng nauna ay sirain nang sirain ang balota para ‘yong matitira, ‘yong maususunod ay hindi namakakaboto dahil wala ng balotang gagamitin. Dapat tandaan, bawat presinto ay ballot specific yong machine ibig sabihin ‘yong precint 1 na balota hindi pwedeng gamitin sa precint 2A. Bawal ‘yon. At ang mismong machine mismo ay hindi niya igogo mismo ang balota kapag hindi mismo sa presinto ang balotan iyan,” aniya.
Isang linggo bago ang eleksiyon, magkakaroon naman ng final testing and sealing sa mga makinarya.