HINIHIKAYAT ngayon ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia ang lahat na kandidato at political parties na maging mapanuri sa nalalapit na eleksiyon.
Sa panayam ng SMNI News, iminungkahi ni Garcia na maglagay ng watcher ang bawat kandidato na syang titingin sa mga kagamitang gagamitin para sa May 9 elections.
Ayon pa kay Garcia, kailangang maging transparent ang COMELEC sa ginagawang proseso para sa nalalapit na halalan.
Sinabi pa ni Garcia na magkakaroon na ng lingguhang extensive briefing ang COMELEC sa harapan ng lahat ng stakeholders at media upang masagot ang lahat ng katanungan para sa komisyon.
Samantala, ipapakita na sa mga observers ang pag-imprenta ng mga balota na ginagawa sa National Printing Office sa Quezon City simula ngayong araw.
Pagpalya ng mga vote counting machine sa mismong araw ng eleksyon, ikinababahala
Pinangangambahan ng anti-election fraud advocate na si Atty. Glenn Chong ang posibleng malawakang pagpalya ng mga vote counting machine sa mismong araw ng eleksiyon.
Sa panayam ng SMNI News kay Chong, posibleng mag-doble ang masisirang voting machine kumpara sa naitalang sira noong 2019 election.
At kung pumalya man ang mga makina sa mismong election day, may payo si Chong sa mga botante.
Payo naman ni Chong sa mga election watcher kung papalitan ang mga nasirang SD cards na siyang nagpapatakbo sa mga VCM, dapat aniyang kunin nila ang serial number at ibato nila sa hub.
Aniya, bukod sa election precinct ay dapat may nagbabantay din sa mga regional hub ng COMELEC para tutukan ang transparency sa mga SD card.
Hinamon din nito ang mga Pilipino na bantayan ang kanilang boto sa paparating na election day.