COMELEC inaprubahan ang hiling ng DOLE na ilang programa nito ay ma-exempt sa election spending ban

COMELEC inaprubahan ang hiling ng DOLE na ilang programa nito ay ma-exempt sa election spending ban

SA ilalim ng Omnibus Election Code, hindi pinahihintulutan ang paglalabas, pagpapakalat, at paggastos ng public funds para sa social services at mga proyektong may kinalaman sa pabahay.

Ayon sa Comission on Elections (COMELEC), batay sa kanilang ebalwasyon, natugunan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga requirement para sa exemption.

Kasama sa mga programa ng DOLE na pinayagan ng COMELEC sa gitna ng election ban ay ang Special Program for Employment of Students, Government Internship Program, Jobstart Philippines Program, Child Labor Prevention and Elimination Program at ang DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program.

Inirekomenda ng COMELEC Law Department na maaprubahan ang exemption basta hindi dapat makakaimpluwensiya sa halalan ang siyam na proyekto na nabigyan ng exemption.

Wala rin umanong magaganap na pamamahagi ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) simula Mayo 2-12 maliban sa mga normal na ibinibigay sa mga kuwalipikadong indibidwal.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter