IPINASILIP ng Commission on Election (COMELEC) ang loob ng EMS Server and Configuration room kung saan makikita ang template ng ballot face para sa 2025 Elections.
Ngayong gabi ay inaasahang mailalagay na sa COMELEC Website ang official na ballot face ng mga kandidato para sa national at local positions.
Para sa pagkasenador, makikita sa ballot face ang pangalan ni Pastor Apollo Quiboloy na pang 52 sa balota at tumatakbong independent sa eleksyon.
Bukas, araw ng Lunes, January 06 ay magsisimula ng mag-imprenta ng mga balota ang COMELEC.