COMELEC, kakasuhan ang mga kapitan na nasa likod ng paglobo ng botante sa kanilang lugar dahil sa irregular na pag-iisyu ng barangay certification

COMELEC, kakasuhan ang mga kapitan na nasa likod ng paglobo ng botante sa kanilang lugar dahil sa irregular na pag-iisyu ng barangay certification

NANGANGANIB na tuluyang masampahan ng reklamo ang mga brgy. chairman na nasa likod ng “voter surge” sa ilang mga area sa bansa dahil sa irregular na pag-iisyu ng Barangay Certification.

Sa imbestigasyon ng Commission on Elections (COMELEC) Special Task Force, sa bahagi ng District 1 ng Makati, naitala ang 33,824 na bilang ng mga natanggap at naprosesong aplikasyon ng mga botante mula Pebrero 12 hanggang Setyembre 30 ng kasalukuyang taon habang 22,762 naman sa District 2.

Mula sa naturang aplikasyon, 18,133 sa District 1 ay aplikasyon para sa transfer of registration records mula sa ibang siyudad at munisipalidad habang 19,898 naman sa District 2.

Sa District 1 ng Makati, nakapagtala ng 4,308  na bilang ng aplikante para sa transfer of registration mula sa mga Embo Barangay habang 14, 954 naman sa District 2 ng lungsod.

Mula sa mga Embo Barangay, 3,596  ang kabuuang aplikante sa District 1 na gumamit ng barangay certifications bilang pruweba ng kanilang identification at residence habang 13,918 naman sa District 2.

Namonitor din ang paglobo ng mga botante sa Cagayan de Oro kung saan 8,218 ang gumamit ng Barangay Certifications.

Ang brgy chairman na nasa likod nito ay napag-alaman umano na tatakbo sa pagkakakongresista.

Bagong scheme umano ito o paraan para makahakot ng botante.

Giit ni Garcia, walang masama sa paggamit ng barangay certification sa pagpaparehistro basta ito ay dumaan sa tamang proseso at verification na ang mga residente ay doon talaga nakatira at hindi hakot lamang.

Ang mga sangkot sa irregular na aktibidad, hahabulin ng COMELEC at hindi umano puwedeng hindi managot sa batas.

Sa susunod na linggo ay mag-iisyu na ng subpoena ang komisyon laban sa mga brgy. chairman na sangkot dito.

Sa bahagi naman ng Leyte, namonitor ang mga double at multiple registants.

Maging ang mga nasa likod nito, mananagot daw sa COMELEC.

Ayon kay Garcia, Igigiit nila sa DILG na ang mga mapapatunayang sangkot na brgy. officials ay mapapatalksik sa puwesto.

COMELEC, ibinasura ang motion for reconsideration ng 18 senatorial aspirants na idineklarang nuisance candidates ng komisyon

Samantala, binasura ng COMELEC ang lahat ng motion for reconsideration na inihain ng ilang nuisance candidate o mga kandidatong pampagulo lang sa halalan.

Matatandaan na mula sa 183 na senatorial aspirants 117 dito ay idineklarang nuisance candidate ng COMELEC Divisions, 18 ang naghain ng MR.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble