SA inilabas na desisyon, pinaboran ng poll body ang petisyon na inihain ng abogadong si Jess Christian Ramirez dahil sa umano’y maling representasyon ng naturang party-List.
Nagpakilala ani Ramirez ang PBBM Party-List bilang isang regional political party na kumakatawan sa CALABARZON, ngunit ang nominee naman nito ay pawang galing sa labas ng naturang rehiyon.
Ayon sa petisyon ni Ramirez, nilabag ng PBBM Party-List ang Republic Act No. 7941 o ang Party-List System Act.
Nilabag din maging ang COMELEC Resolution No. 9366 dahil naghain ito ng sampung nominado na mga residente ng Abra, Cagayan, at Quezon City.