COMELEC maaaring umaksiyon sa vote buying at vote selling batay sa “presumption” ngayong kampanya

COMELEC maaaring umaksiyon sa vote buying at vote selling batay sa “presumption” ngayong kampanya

ILANG araw bago ang nalalapit na panahon ng pangangampanya para sa national positions, lumagda ng kasunduan ang Commission on Elections (COMELEC), kasama ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga pribadong kompanya para bantayan ang pamimili ng boto sa panahon ng eleksiyon.

Ang komisyon ay kikilos daw laban sa vote buying at vote selling sa pamamagitan ng presumptions.

Ibig sabihin, ipagpapalagay nilang namimili ka ng boto kung may dala kang pera at ipinamimigay ito bilang sample balots; namimigay ka ng kung ano-ano sa mga kabahayan kapalit ng kanilang boto; pagpapalaro ng bingo games na may kasamang prize o premyo galing sa isang kandidato; paghahakot ng mga tao sa isang lugar isang araw bago ang araw ng pangangampanya o mismong sa araw ng halalan.

Ipaglalagay rin nilang namimili ka ng boto kung namamahagi ka ng ayuda sa mga lugar na may posters o mukha ng kakandidato at iba pa.

Warrantless arrest, maaring gawin ng mga law enforcement agency sa mga namimili ng boto

Kung ikaw ay na-presume na namimili o nagbebenta ng boto, nasa iyo ang burden of proof o ikaw ang kailangan na magpatunay sa komisyon na mali sila sa kanilang presumptions o hinala.

Ang Philippine National Police (PNP) at iba pang mga law enforcement agency, puwedeng magsagawa ng warrantless arrest para mas mabilis na mahuli ang mga namimili ng boto.

Puwede itong gawin ng mga awtoridad lalo na kung caught in the act o huling-huli sa akto ang pagbebenta ng boto.

Puwede rin daw magtuloy-tuloy ang deputization ng COMELEC sa Department of Justice para naman sa mabilis na prosekusyon ng mga reklamo.

Pwede rin daw maging opsiyon ang citizen’s arrest dahil pinapayagan naman ito ng batas, pero hindi raw ito irerekomenda ng COMELEC sa publiko.

Dalawang araw bago ang eleksiyon hanggang sa araw ng halalan, magpapatupad ang COMELEC ng money ban kung saan bawal ang pagdadala ng pera na nagkakahalahaga ng P500K.

Babala ng komisyon, kulong at diskwalipikasyon sa paghawak ng posisyon ang ilan sa maaaring parusa sa mga mahahatulang guilty sa pamimili ng boto.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble