NAKATAKDANG pasinayaan ngayong araw ang karagdagang satellite voters’ registration ng Commission on Election (COMELEC).
Ang pagbubukas ng voter registration ng COMELEC ay gagawin sa SM Supermalls ng Mall of Asia .
Ang pagpapasinaya ay pangungunahan ni Commissioner Aimee P. Ferolino, si Director IV, Education and information Department James Jimenez, President ng SM Supermall Steven Tan at Bien Mateo ang Senior Vice President ng naturang mall.
Matatandaan nito lamang nakaraang araw ay nagbukas din ng satellite registration sites ang COMELEC sa loob Ayala Malls.
Una na ring nagpahayag ang COMELEC na plano na magbukas ng registration booths sa mga malls.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, layunin ng hakbang na ito na mabigyan ang publiko ng accessible at episyenteng karanasan sa pagrerehistro.
Magsisilbi rin itong alternatibong satellite registration sites sa pamamagitan ng pagbubukas ng registration booths sa mga mall.
BASAHIN: F2 Logistics bilang provider sa 2022 general elections, inaprubahan na