INIHAYAG ni Commission on Elections (COMELEC) chairman George Garcia na may mga karagdagang kandidato para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang kanilang padadalhan ng show cause order.
Ito ay kasunod ng mga nabaklas nilang posters sa mga liblib na barangay ng Rizal at Laguna.
Una nang nagbabala ang komisyon na babaklasin nila ang mga posters o election paraphernalia na ginagamit sa premature campaigning.
Ang campaign period magsisimula pa lang sa Oktubre 19 hanggang 28.
Ayon kay Garcia, ang mga kandidatong mapatutunayang maagang nangangampanya ay posibleng madiskwalipika sa pagtakbo sa BSKE.
Sa ngayon ay nasa mahigit 100 na ang naisyuhan ng show cause order ng COMELEC.