DINAGSA ng mga rallyista sa Mandaue City ang COMELEC matapos kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni Mayor Jonas Cortes.
Matatandaang kinansela ng Commission on Elections (COMELEC) ang Certificate of Candidacy (COC) ni Mayor Jonas Cortes dahil sa anila materyal at maling representasyon.
Ang desisyon ay ipinahayag noong Disyembre 18, 2024.
Ang pagkansela ng COC ni Cortes ay nagmula sa isang petisyon na isinampa ni Atty. Ervin Estandarte, na nagsabing si Cortes ay nagkamali ng seryosong representasyon sa kaniyang COC sa pamamagitan ng pagdeklara na siya ay kwalipikado para sa posisyon na kaniyang tinatakbuhan.
Ang COMELEC Second Division ay sumang-ayon kay Estandarte, na nagsasabing ang pagkukulang ni Cortes ay isang materyal at sinadyang maling representasyon.
Ang desisyon ay nilagdaan ng Presiding Commissioner Marlon Casquejo at Commissioners Rey Bulay at Nelson Celis.
Samantala, ayon kay Nonoy Gerarman, Overall Vice Chairman and Chief Operation Officer sa Urban Poor Association, maliwanag na isang panggigipit ang ginagawa kay Mayor Cortes.
Itinuturong nasa likod nito ang mga Ouano na suportado ni Speaker Martin Romualdez sa pagnanais na makabalik at makuhang muli ang pamumuno sa Mandaue City.